Friday, September 23, 2011

Sa Isang Upuang Pagitan

Isang Upuang Pagitan
Lagi kitang pinagmamasdan sa tuwing papasok ng paaralan. Maging sa loob ng silid-aralan ay ikaw lamang ang aking nasa isipan. Matagal na akong may paghanga sayo. Simula sa unang taon natin sa paaralan ay sadyang natamaan na ako sayo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayo’y ikaw pa rin ang nasa aking puso’t isipan. Apat na taon na rin akong may paghanga sayo ngunit ni minsan ay di ko man lang nasabi ito. Sa tuwing magkakalakas ako ng loob upang sabihin sayo ay siya namang pagsulpot ng mga nanliligaw sayo. Hanggang kelan ko pa kaya kayang itago ang nararamdamang ito?

Pilit kong tinatago ang nararamdamang ito dahil natatakot akong layuan mo ako. Kuntento na akong nakikita ka araw-araw kahit na sa isang upuang pagitan ay nagagawa mong sumulyap sa aking kinaroonan kasabay ng isang magandang ngiti. Kuntento na ako sa kung ano mang meron tayo at ayokong sirain nang dahil lang sa nararamdaman kong ito.

Isang araw habang naglalakad ako palabas ng paaralan ay nakita kitang may kasamang iba. Sa pagkakataong iyon ay nakita ko ang ibang ikaw. Nakita ko ang kakaibang ngiti sa iyong mga labi, mga ngiting di ko pa nasisilayan sa mga pagkakataong tayo’y magkasama. Hinagkan ka niya kasabay ng pagdampi ng kanyang mga labi sa iyong mga labi.
Nagunaw ang mundo ko sa pagkakataong iyon at di ko namalayan ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang kirot sa aking puso habang sinasabayan ng kalangitan ang aking pananaghoy. Aking napagtanto na unti-unting lumalaki ang pagitan ng ating mga puso na dati’y Isang Upuang Pagitan lamang...

----rkely

Wednesday, March 16, 2011

SanaAko na lang si Facebook

Adik ang Girlfriend ko...sa facebook
Araw araw syang nagoonline....
Araw araw syang nag fafaramville
Natatakot kase sya...
Baka daw mabulok mga tanim nya.
...Pero natatakot din kaya sya?
Na mabulok pagmamahal ko sa kanya...
Adik ang gf ko...Sa Treasure Isle,
Sayang daw akse yung mga kayamanan...
Mahalaga naman kaya ako sa kanya???
Lage syang nagrerestaurant City
Luto na daw akse mga pagkain dun...
Pero tinatanong ba nya...
Kung kumain na ako???
Sana minsan pumunta ka naman saWall Ko...
Iparamdam mo naman na magkakilala tayo...


Minsan open mo yung photos ko....
Dun sa Album na "My First Monthsary sa Mahal Ko"
Saya saya natin noh?
Miss ko mga yakap mo....
Miss ko mga kulitan naten...
Miss ko mga Bonding Times naten...
Di ko naman hinihinge maging priority mo ako ehh.
Miss ko yung mga times na wala pang Fb
Yung times na wala pang Farmville, Restaurant City,Treasure Isle...
Yung mga times na Ikaw lang Tsaka Ako...

Sana pag nag log out ka maisip mong...
"ay oo nga pa la nuh..My Ronald pa ako..."
Adik talaga Gf ko...
Sa Facebook...
Sana..
Ako nalang...
Si
FACEBOOK

Bato

Kahit ibigay mo ang lahat
Kung di talaga sapat...
Wala ka nang magagawa
Kung ayaw na nya.
Sa dating tagpuan nananahan
Lage pa ring minamasadan
Kung kahit anino mo manlang sana
Makita ay ayos na....
Pero ngayong natanggap ko na
Wala ng kahit anong nararamdaman
Date man akong naging bato
Dahil sa pagkakawalay sayo...
Kinaya ko bagaman ikinamatay ko...
Nabuhay ako para sa sarili ko
At para sa susunod na dahilan para mabuhay ako...