Friday, September 23, 2011

Sa Isang Upuang Pagitan

Isang Upuang Pagitan
Lagi kitang pinagmamasdan sa tuwing papasok ng paaralan. Maging sa loob ng silid-aralan ay ikaw lamang ang aking nasa isipan. Matagal na akong may paghanga sayo. Simula sa unang taon natin sa paaralan ay sadyang natamaan na ako sayo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayo’y ikaw pa rin ang nasa aking puso’t isipan. Apat na taon na rin akong may paghanga sayo ngunit ni minsan ay di ko man lang nasabi ito. Sa tuwing magkakalakas ako ng loob upang sabihin sayo ay siya namang pagsulpot ng mga nanliligaw sayo. Hanggang kelan ko pa kaya kayang itago ang nararamdamang ito?

Pilit kong tinatago ang nararamdamang ito dahil natatakot akong layuan mo ako. Kuntento na akong nakikita ka araw-araw kahit na sa isang upuang pagitan ay nagagawa mong sumulyap sa aking kinaroonan kasabay ng isang magandang ngiti. Kuntento na ako sa kung ano mang meron tayo at ayokong sirain nang dahil lang sa nararamdaman kong ito.

Isang araw habang naglalakad ako palabas ng paaralan ay nakita kitang may kasamang iba. Sa pagkakataong iyon ay nakita ko ang ibang ikaw. Nakita ko ang kakaibang ngiti sa iyong mga labi, mga ngiting di ko pa nasisilayan sa mga pagkakataong tayo’y magkasama. Hinagkan ka niya kasabay ng pagdampi ng kanyang mga labi sa iyong mga labi.
Nagunaw ang mundo ko sa pagkakataong iyon at di ko namalayan ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang kirot sa aking puso habang sinasabayan ng kalangitan ang aking pananaghoy. Aking napagtanto na unti-unting lumalaki ang pagitan ng ating mga puso na dati’y Isang Upuang Pagitan lamang...

----rkely

Wednesday, March 16, 2011

SanaAko na lang si Facebook

Adik ang Girlfriend ko...sa facebook
Araw araw syang nagoonline....
Araw araw syang nag fafaramville
Natatakot kase sya...
Baka daw mabulok mga tanim nya.
...Pero natatakot din kaya sya?
Na mabulok pagmamahal ko sa kanya...
Adik ang gf ko...Sa Treasure Isle,
Sayang daw akse yung mga kayamanan...
Mahalaga naman kaya ako sa kanya???
Lage syang nagrerestaurant City
Luto na daw akse mga pagkain dun...
Pero tinatanong ba nya...
Kung kumain na ako???
Sana minsan pumunta ka naman saWall Ko...
Iparamdam mo naman na magkakilala tayo...


Minsan open mo yung photos ko....
Dun sa Album na "My First Monthsary sa Mahal Ko"
Saya saya natin noh?
Miss ko mga yakap mo....
Miss ko mga kulitan naten...
Miss ko mga Bonding Times naten...
Di ko naman hinihinge maging priority mo ako ehh.
Miss ko yung mga times na wala pang Fb
Yung times na wala pang Farmville, Restaurant City,Treasure Isle...
Yung mga times na Ikaw lang Tsaka Ako...

Sana pag nag log out ka maisip mong...
"ay oo nga pa la nuh..My Ronald pa ako..."
Adik talaga Gf ko...
Sa Facebook...
Sana..
Ako nalang...
Si
FACEBOOK

Bato

Kahit ibigay mo ang lahat
Kung di talaga sapat...
Wala ka nang magagawa
Kung ayaw na nya.
Sa dating tagpuan nananahan
Lage pa ring minamasadan
Kung kahit anino mo manlang sana
Makita ay ayos na....
Pero ngayong natanggap ko na
Wala ng kahit anong nararamdaman
Date man akong naging bato
Dahil sa pagkakawalay sayo...
Kinaya ko bagaman ikinamatay ko...
Nabuhay ako para sa sarili ko
At para sa susunod na dahilan para mabuhay ako...

Wednesday, October 27, 2010

wattttever.....(my principles)

HINDI MAN LAHAT NG NAGMAMAHALAN AY MAGKSASAMA HINDI RIN NAMAN LAHAT NG MAGKASAMA AY NAGMAMAHALAN

Kung ang tao ay manloloko kahit palagi mong bantayan , manloloko pa rin yan pero kung bibigyan mo ng dahilan para irespeto kahit marami pang temptation , irerespeto ka pa rin nyan.

Ang tangi mo lang magagwa sa partner mo ay iparamdam sa partner mo na sya ang pinaka magandang babae sa mundo.

You will discover something new everyday to your partner so you have to Adjust everyday

Kung inapakita mong malakas at matapang ka na, di ka na nya aalagaan kase matapang ka na eh you dont need to be comfort na.

Somethings are better unsaid.

Never assume the thoughts of your partner.

Overprotection leads to suffocation.

The best way to hurt someone is through Honesty.

Kung may ginawa kang mali, wag mo ng panatilihin ganun, gawin mo ng tama!

All that wont kill you makes you stronger.

To love someone it should be a glimpse of heaven

Not because you can, you will

If you want an answer, ask a question first

Guys ar photographic, girls are verbal

Love is like driving down the hill, in the iddle of the night, on flat tires, lights busted and breaks not wiorking its never a smooth ride so amnny humps and curves it will hurt you and make you feel like hitting the wall blind folded but you'd rather take the ride than not at all

Not every good things in life will remain forverwe have to say goodbye to good things sa buhay naten at pag wala na ang good thins sa buhay naten we still have the power and guts to see whats still good in us. Minsan kase pag umiiyak tayo we tend to think na its the ned of the wiorld hindi mo alam theres still something giood about it.

Kahit kailan hindi agandang magtanim ng galit sa kapwa but at somw poitn looking at the brighter side yong galit minsan ay motivation para magmove on, kase hanngat di mo nararamdaman ang glait sakanya kahit papano manantili kang tanga,

Isa sa pinakamahirap na gagawin ng isang tao at ng isang nagmamahal is yung sanayin yung sariling nasasaktan lang when you get used to thepain you will never ever want to be a better person akse sanay ka na dun.

Paano ka pangangalagaan ng taong susunod na magmamahal sayo kung ikaw mismo walang respeto sa sarili mo

STEPS FOR MOVING ON:

Say thank you

Say Sorry

Say goodbye

Monday, September 6, 2010

Paalam at Pagsisismulang Muli

Tama nga sila hindi lahat ng kaibigan nagtatagal at ang relasyong nagsimula sa mali ay hindi rin magtatagal. Experience is the best teacher talaga. Ang isang buwan ng kamailang namin ay tapos na. Oo kumbaga void from the very beginning ang drama ko. Alam namen na mali eh hindi na tama pero dahil pinagpatuloy pa rin namen kse nga mahal namen isat isa pero ganon pala yun ang nagsumula sa male hindi rin magtatagal.
Siguro nga tinamaan na kame ng kidlat kaya narealize nameng wala na talaga at mali na talaga.
Pero nahuli ako. It tooked me 6 months para marealiza na wala na talaga sya :'(


(next)

Makatang Manananggol ng Muntinlupa

Hindi lahat nabibigyang ng pagkakataong mailathala ang kanilang mga nasa sa isip.
Hindi lahat may kakayahang idaan sa salita ang nasa puso nila.
Kaya sinasamantala ko na an blog na ito para maipahatid sa aking mga lathala ang nasa loob ng puso at utak ko.
Siguro paraan an rin ito para mabawasan yung dinadala ko.
Hindi ako ganoon ka pala kaibigan siguro dahila na rin iyon kaya ako mismo nagisip na gawin ang blog na ito.

Ginawa at isinusulat ko ang mga sinasabi ko sa ng walang ginagayahan.
Lahat galing sa puso.
Gagawa ako ng mga tula, essays at iba pa sa mga darating na araw.

MARAMAING SALAMAT SA PAGBABASA AT TULOY KA YO SA BAHAY AT BUHAY KO!

--makatang mananaggol ng muntinlupa